^

Police Metro

‘Clash of clans’: 8 todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Nasawi ang walong katao matapos na magbakbakan ang dalawang magkalabang angkan kamakalawa sa Brgy. Pislong, Siasi, Sulu.

Tatlo sa walong nasawi ay kinilalang sina Sakili Musahari; Mackdil Allam; at Koler Amado habang inaalam pa ang pagkakilanlan ng limang iba pa.

Sa ulat na nakarating kay Brig. Gen. Allan Arrojado, Commander ng Joint Task Group (JTG) Sulu dakong alas-5:10 ng hapon nang sumiklab ang palitan ng putok sa pagitan ng magkalabang angkan mula sa pamilya nina Brgy. Chairman Rashid Hadjiluddin at  Allam Sayadi.

Sa salaysay ng mga residente na nagulat na lamang sila nang maka­rinig nang sunud-sunod na mga putok ng baril na nagmumula sa Sitio Masilam, Brgy. Pislong at nakita nila na nagbabarilan ang magkalabang angkan.

Tumagal ng may 40 minuto ang palitan ng putok na ikinasawi ng walong katao habang nasugatan sina Alsid Ilaji at Alam Sayadi, lider ng mga nanguna sa pag-atake  laban kina Hadjilludin.

Ang dalawang angkan ay matagal nang magkalaban at sa tuwing magkrukrus ang landas ay nagbabarilan ang mga ito.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ang kasong ito habang namagitan na rin ang pulisya at militar laban sa grupo ng magkalabang angkan.

vuukle comment

ALAM SAYADI

ALLAM SAYADI

ALLAN ARROJADO

ALSID ILAJI

ANG

BRGY

CHAIRMAN RASHID HADJILUDDIN

JOINT TASK GROUP

KOLER AMADO

MACKDIL ALLAM

PISLONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with