^

Police Metro

Dayo inutas ng siga

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Tatlong beses na binaril ang isang 44-anyos ng isang siga matapos na dumayo sa lugar kamakalawa ng gabi sa Sta. Mesa, Maynila.

Namatay habang ginagamot sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Wilfredo De Vera, residente ng B-31, Lot 1,  Phase 1-A, Trece Martirez City, Cavite.

Ang suspek na tumakas ay kinilalang si Edwin Bantayan, alyas Ran-ran, residente ng no. 4590 V. Francisco St.,  Sta. Mesa, Maynila.

Batay sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-6:00 ng gabi sa tapat ng  no. 258-D Alley 3 Teresa St. Sta. Mesa ay dumayo ang biktima sa lugar upang bisitahin ang kapatid nitong si Grace.

Nang masalubong ng biktima ang suspek na armado ng baril ay agad itong nagtatakbo, subalit hinabol siya nito hanggang sa maabutan nagmamakaawa umano ang biktima sa suspek, subalit pinagbabaril pa rin ito.

vuukle comment

ANA HOSPITAL

ANG

BATAY

CAVITE

D ALLEY

EDWIN BANTAYAN

FRANCISCO ST.

MAYNILA

TERESA ST. STA

TRECE MARTIREZ CITY

WILFREDO DE VERA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with