^

Police Metro

Jailguard tumba sa riding in tandem

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang jailguard nang ito ay pagbabarilin ng mga suspek na sakay ng motorsiklo kamakalawa sa national highway ng Brgy. Tagbu­yacan, Santiago, Agusan del Norte.

Ang nasawi ay kinilalang si JO3 Ricardo Limen, 55-miyembro ng Bureau of Jail Ma­nagement and Penology (BJMP) sa Cabadbaran City District Jail.

Batay sa ulat, bandang alas-10:00 ng umaga ay lulan ang biktima ng motorsiklo at binabaybay ang direksyon ng Surigao del Norte nang sundan ng dalawang salarin na magkaangkas sa motorsiklo at nakasuot ng helmet.

Pagsapit sa lugar ay agad itong pinaulanan ng bala ng mga suspek na sumapul sa katawan ng biktima.

Inaalam pa ang motibo nang pagpatay sa biktima.

vuukle comment

AGUSAN

BATAY

BRGY

BUREAU OF JAIL MA

CABADBARAN CITY DISTRICT JAIL

INAALAM

NORTE

PAGSAPIT

RICARDO LIMEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with