^

Police Metro

2 lalaki patay sa duwelo ng patalim

Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Malaki ang hinala ng mga otoridad na nagduwelo sa patalim ang dalawang lalaki na kapwa natagpuang patay sa saksak sa loob ng isang bahay sa Barangay UP Campus, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang dalawang nasawi ay kinilalang sina Edwin Valdez, nasa pagitan ng edad 30-35 at isang alyas Jeck, nasa pagitan ng edad 25-30, may taas na 5’2”, may tattoo na Liezel at Jessie sa likod.

Sa ulat, bago natagpuang patay ang dalawa dakong alas-10:30 ng gabi sa loob ng isang bahay sa Green Thumb Garden Compound sa C.P. Garcia ng nasabing barangay ay dumating ang mga ito sa bahay ni Jolly Ann Calzado, pasado alas- 7:00 ng gabi at nakiusap na makitulog habang hinihintay ang isang kasamahan.

Nagpasya si Calzado at kanyang mister na iwan ang dalawa sa bahay nila at nakitulog sa kanyang pinsan na katabing bahay lamang nila.

Ayon sa isang Jolito Avilona, matutulog na sana siya nang makarinig siya ng mga ungol at tila humahabol na paghinga mula sa katabing bahay na tinutulugan ng dalawa.

Ipinaalam ni Avilona sa mga otoridad ang pangyayari kaya’t nang puntahan ang bahay ay  kapwa nakita na walang buhay ang dalawa.

Hinihinalang nagsaksakan ang dalawa matapos na makarekober ng mga otoridad sa lugar ng isang 12 pulgadang bolo.

vuukle comment

AVILONA

AYON

BAHAY

CALZADO

EDWIN VALDEZ

GARCIA

GREEN THUMB GARDEN COMPOUND

JOLITO AVILONA

JOLLY ANN CALZADO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with