^

Police Metro

Roxas pinarangalan ang 2 SAF sa Cebu

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dinalaw sa Cebu ni Interior and Local Go­vernment Secretary Mar Roxas ang pamilya nina PO1 Romeo Cempron at PO1 Windel Candano na kabilang sa 44 kasapi ng Philippine National Police – Special Action Force (PNP-SAF) na namatay sa Mamasapano, Maguindanao.

Pinayuhan ni Roxas ang asawa ni Candano na si Michelle na ilaan ang panahon sa pitong taong gulang na anak para sa bagong buhay sa kabila ng trahedyang sinapit ng asawa nito sa pagtupad sa tungkulin.

Para kay Michelle, empleado ngayon ng Philippine Postal Corporation sa Cebu, gusto niyang maranasan ang buhay bilang kawal ng SAF upang lubos niyang maunawaan ang pagsasakripisyo ng buhay ng kanyang mister.

Ibinahagi naman ni Dra. Christin Cempron ang masasayang alaala nila bilang mag-asawa ni Romeo na namatay din sa insidente sa Mamasapano.

Sinabi rin ni Roxas sa pamilya ng tanyag ngayon bilang “Fallen 44” na may panahon sila para magdalamhati pero hindi dapat mag-alala sa kanilang kinabukasan dahil si Pangulong Aquino, ang DILG, PNP, National Police Commission (Napolcom) at iba pang ahensiya ng gobyerno ay hindi magpapabaya at pagkakalooban sila ng pinansiyal, edukasyonal, pangkabuhayan, medikal, pabahay at iba pang porma ng tulong.

Nangako rin ito sa pamilya ng mga namatay at nasugatan na matatamo nila ang katotohanan at katarungan sa itinatag niyang Board of Inquiry para alamin ang tunay at buong pangyayari kaugnay ng operasyon ng SAF.

 

vuukle comment

BOARD OF INQUIRY

CEBU

CHRISTIN CEMPRON

MAMASAPANO

MICHELLE

NATIONAL POLICE COMMISSION

PANGULONG AQUINO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PHILIPPINE POSTAL CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with