^

Police Metro

Cavite shootout: 2 holdaper todas

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dead-on-the-spot ang dalawang lalaki na umano ay nangholdap sa isang pampasaherong jeep matapos na makipagbarilan sa mga rumespondeng pulis kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Emilio Aguinaldo Highway, Brgy. Lalaan 1, Silang, Cavite.

Batay sa ulat, bago nangyari ang holdapan sa nasabing lugar dakong alas-9:30 ng gabi ay sakay ng jeep na minamaneho ni Bibiano Ambat, 50, ang mga biktima na nakilalang sina Rosalie Ambat, 49, may-asawa; Anvrian Po-an, 20, dalaga; Decelyn Cabrera, 39, binata na kung saan ay sakay din ang dalawang suspek.

Pagsapit sa nasabing lugar ay nagdeklara ang dalawang suspek ng holdap sa mga pasahero at kinuha ang mga pera, cell pohne at alahas.

Subalit, habang nagaganap ang panghoholdap ay lihim na nakapag-text ng tulong ang isa sa mga biktima  sa kanyang kaanak na siya namang humingi ng responde sa mga pulis.

Mabilis na nagresponde ang mga police mobile sa lugar at nakita ang kaguluhan sa loob ng jeep.

Sinundan ito ng police mobile, pero nakita ito ng mga suspek kaya’t bumaba ng jeep at nagkaroon ng habulan hanggang sa makorner ang mga ito sa isang lugar sa Barangay Lalaan.

Sa halip na sumuko ay pinutukan umano ng mga suspek ang mga pulis na gumanti din ng putok na kung saan ay napatay ang dalawang suspek.

Narekober sa mga suspek ang mga nakulimbat sa mga pasahero at dalawang baril na ginamit nila sa panghoholdap.

Walang nakuha ang mga pulis na anumang identification para sa pagkilala sa dalawang suspek.

vuukle comment

ANVRIAN PO

BARANGAY LALAAN

BATAY

BIBIANO AMBAT

BRGY

DECELYN CABRERA

EMILIO AGUINALDO HIGHWAY

ROSALIE AMBAT

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with