^

Police Metro

Ambush: 3 katao todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isang sasakyan na bumabagtas sa highway ng Brgy. Lower Salbu, Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao ang pinagbabaril na ikinasawi ng tatlong katao kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni Captain Jo-ann Petinglay, Spokesperson ng  Army’s 6th Infantry Division (ID), dakong alas-7:30 ng gabi ay lulan ang mga biktima ng Toyota Corolla (TEM-896) at patungo ng bayan ng Datu Piang nang tambangan ang mga ito sa harapan ng Pendelilang Elementary School ng mga hindi pa kilalang suspek.

Nang masigurong patay na ang mga biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek  sakay ng motorsiklo patungo sa direksyon ng Brgy. Kitango ng bayang ito.

Sa pagresponde sa lugar ng elemento ng Army’s  2nd Mechanized Infantry Battalion at ang lokal na pulisya ay narekober ang bangkay ng mga biktima na kinabibilangan ng dalawang lalaki at isang babae na patuloy na inaalam ang mga pa­ngalan. 

vuukle comment

BRGY

CAPTAIN JO

DATU PIANG

DATU SAUDI AMPATUAN

INFANTRY DIVISION

LOWER SALBU

MECHANIZED INFANTRY BATTALION

PENDELILANG ELEMENTARY SCHOOL

TOYOTA COROLLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with