^

Police Metro

4 Koreano tiklo sa pot session

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Arestado ng pulisya ang apat na Koreano makaraang maaktuhang humihitit ng marijuana sa Angeles City, Pampanga kamakalawa.

Kinilala ni Sr. Supt. Eden Ugale, director ng Angeles City Police ang mga nasakote na sina Kim In Soo, Chin Woo Seong, Kim Mean Seong at Jeong Jin Bai; pawang nakatira sa Timog Park , Brgy. Cutcut ng lungsod.

Bandang alas-11 ng umaga nang masakote ang nasabing mga Koreano  na naaktuhang humihitit ng marijuana sa loob ng Echo Bar sa kahabaan ng Don Juico Avenue ng naturang siyudad.

Nasamsam sa pag-iingat ng nasabing mga Koreano ang 14 sticks ng marijuana  na isinailalim na sa laboratory analysis ng Angeles City Police Crime Laboratory.

Iginiit naman ng mga suspek na halamang gamot umano ang kanilang hinihitit na sinabi pang pinahihintulutan sa South Korea. Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment

ANGELES CITY

ANGELES CITY POLICE

ANGELES CITY POLICE CRIME LABORATORY

CHIN WOO SEONG

DON JUICO AVENUE

ECHO BAR

EDEN UGALE

JEONG JIN BAI

KIM IN SOO

KIM MEAN SEONG

KOREANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with