^

Police Metro

Mga matapobre kayo... VP Binay binira ang mga utak ng Oplan Stop Nognog 2016

Butch Quejada at Ellen Fernando - Pang-masa

MANILA, Philippines – Matapobre ang turing ni Vice President Jejomar Binay sa mga may pakana ng Oplan Stop Nognog 2016.

Sinabi ni Binay na ang nag-isip ng ‘nognog,’ ay  may pangungutya at tiniyak niya na ang nagsabi noon ay mga mayayaman, mga haciendero dahil ang ‘nognog’ ay  pagkutya sa isang maitim.

Ang Oplan Stop Nognog 2016 o Oplan SN16 ang umano’y pakana ng mga kalaban ni Binay na pabagsakin ang ra­tings nito upang masira ang kanyang planong tumakbo bilang Pangulo sa susunod na halalan sa 2016.

“Gusto nilang ipakita na hindi ako karapat-dapat na maging pangulo. Tapos pipilitin nilang ako’y makulong, mai-impeach pa ako. Lahat ito ay ginagawa nila upang pigilan akong maging kandidato o maging pangulo ng ating bansa,” sabi ni Binay.

Sinabi rin ni Binay na hindi na siya nagulat na si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Manuel Roxas II ang isa sa mga nasa likod ng Oplan SN16 na minamasama ang pagkamaitim.

Maging si Senator Antonio Trillanes IV ay binatikos din ni Binay nang tawagin na “kulay-mahirap” at “asal-mahirap,” ang Bise Presidente.

“Yan ay patunay lamang sa pagka-matapobre ni Mr. Trillanes. Lahat sila na bahagi ng paninira sa akin, mapag-alipusta sa mga mahirap at sa maitim ang kulay ng balat,” sabi ni Binay.

Samantala, binatikos din ni United Nationalist Alliance (UNA) interim president Toby Tiangco si  Senador Trillanes na desperado na sa kanyang agenda na pabagsakin ang reputasyon ni VP Binay kaya pati mahihirap ay iniinsulto na nito.

Ayon kay Tiangco na ang sinabi ni Trillanes na “kulay-mahirap” at “asal-mayaman” sa kanyang ginawang  ocular visit sa  Sunchamp Agri-Tourism Park sa Rosario, Batangas noong Huwebes ay nagpapakita lamang kung paano ito pinalaki at ma­ging kaisipan ng dating coup plotter na naging pulitiko.

vuukle comment

ANG OPLAN STOP NOGNOG

BINAY

BISE PRESIDENTE

LAHAT

MR. TRILLANES

OPLAN

OPLAN STOP NOGNOG

SECRETARY MANUEL ROXAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with