^

Police Metro

Lola utas sa motor

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Patay ang isang 64-anyos na lola makaraan itong masagasaan ng isang humahagibis na motorsiklo sa highway ng Brgy. Sumadat, Dumalinao, Zamboanga del Sur kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Juanita Patalan, residente  ng nasabing lugar, dead on the spot sa tinamong matinding sugat sa kaniyang ulo at iba pang bahagi ng kaniyang katawan.

Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 9, naganap ang insidente dakong alas-6:30 ng gabi kung saan habang ito ay tumatawid ay bigla na lamang masapol ng isang rumaragasang kulay pulang motorsiklong Honda (YDA 248) na minamaneho ni Anecito Gutana, 25, seaman ng Pagadian City.

 Nabagok  pa ang ulo ng biktima sa kalsada bukod pa sa tinamong sugat sa iba pang bahagi ng kaniyang katawan. Kasalukuyan na ngayong humihimas ng rehas na bakal ang suspek na nahaharap sa kasong kriminal.

vuukle comment

ANECITO GUTANA

BRGY

DUMALINAO

JUANITA PATALAN

KASALUKUYAN

KINILALA

NABAGOK

PAGADIAN CITY

PATAY

POLICE REGIONAL OFFICE

SUMADAT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with