^

Police Metro

Shabu sa mall: 2 tiklo

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inaresto ng mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang babae kabilang ang dalagita sa isang shabu buy bust operation sa isang mall sa Cubao, Quezon City.

Ang dalawang suspek ay kinilalang sina Anjanette Matus, 41, at isang alyas Mita, 15, na residente ng Cangatba, Porac, Pampanga at nasamsam sa kanila ang 150 gramo ng shabu.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng gabi nang magsagawa ng shabu buy bust operation ang PDEA Regional Office-National Capital Region (PDEA-RONCR) sa isang kilalang fastfood chain sa loob ng isang mall sa Cubao, Quezon City.

Nagkunwaring bibili ng iligal na droga ang isang PDEA agent sa mga suspek at nang magpalitan ng items ay saka dinampot ng nakaantabay na mga operatiba.

 

vuukle comment

ANJANETTE MATUS

CANGATBA

CUBAO

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

INARESTO

ISANG

MITA

NAGKUNWARING

QUEZON CITY

REGIONAL OFFICE-NATIONAL CAPITAL REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with