^

Police Metro

4-anyos lasog sa van

Tina Go Timbang - Pang-masa

Cavite, Philippines - Nalasog ang katawan ng isang 4-anyos na lalaki  nang salpukin ng van sa Naic, Cavite kamakalawa.

Nasawi habang ginagamot sa Naic Doctors Hospital ang biktimang si Steven Sugatan, 4-taong gulang, residente ng Brgy. Muzon, Naic, Cavite bunsod ng pinsalang tinamo sa ulo at katawan.

Arestado naman at ngayo’y nakakulong ang suspek na si Alvin Reyes, 38, may asawa ng Jovillar St. Magallanes, Cavite.

Batay sa ulat, naglalakad umano ang biktima sa gilid ng kalsada sa Governor’s Drive sa tapat ng kanilang bahay bandang 10:00 ng umaga nang mahagip ng rumaragasang Mitsubishi L300 van ng suspek na papunta sana sa bayan ng Maragondon.

Sa lakas ng impact ay tumilapon ang bata nang mabundol kaya nalasog ang katawan. Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa suspek.

vuukle comment

ALVIN REYES

ARESTADO

BATAY

BRGY

CAVITE

INIHAHANDA

JOVILLAR ST.

NAIC

NAIC DOCTORS HOSPITAL

STEVEN SUGATAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with