^

Police Metro

Tsinay trader dedo sa ambush

Ludy Bermudo, Patrick Roy Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Idineklarang dead-on-arrival sa Ospital ng Maynila ang isang Tsinay trader nang ito ay pagbabarilin ng dalawang lalaki na sakay ng motorsiklo sa isang ambush kamakalawa ng hapon sa Sampaloc, Maynila.

Ang biktima na nasawi dahil sa dalawang tama ng bala sa mukha ay kinilalang si Mary Li, 58-anyos, no. 27 Pelicares St., Green Meadows, Quezon City, may-ari ng isang kilalang chicken fast food restaurant.

Dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklong walang plaka, na kapwa nakasuot na helmet ang mabilis na tumakas.

Sa ulat, dakong alas-5:10 ng hapon  sakay ang biktima sa second row ng nasabing Starex van na minamaneho ng kaniyang driver na si Ruel Dumdum, 36 at kasama sa loob ng sasakyan ang branch manager na si Arlene Rizano, 27, nang dikitan ng mga suspek ang kanang bahagi kung saan nakaupo ang biktima at pinagbabaril.

Hindi idinamay ng mga suspek ang driver at ang branch manager at walang tinangay na anuman mula sa biktima. Nagmadaling tumakas sa direksiyon ng Lardizabal Street ang mga suspek.  

vuukle comment

ARLENE RIZANO

DALAWANG

GREEN MEADOWS

IDINEKLARANG

LARDIZABAL STREET

MARY LI

MAYNILA

PELICARES ST.

QUEZON CITY

RUEL DUMDUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with