^

Police Metro

Parak bulagta sa tandem

Non Alquitran - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center (ARMMC) ang isang pulis nang ito ay pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects sa parking lot ng isang sabungan kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Ang nasawi ay kinilalang si SPO2 Gilbert Peralta, nakadestino sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Quezon City, nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo at dibdib.

Ayon kay Senior Superintendent Roberto Fajardo, hepe ng  CIDG’s National Capital Region (NCR) na patuloy pa nilang inaalam ang motibo ng pagpatay kay SPO2 Peralta.

Ayon sa otoridad si SPO2 Peralta ay nagsasagawa umano ng surveillance operations sa lugar nang ito ay pagbabarilin ng malapitan ng mga suspek.

Subalit, ayon sa source, si SPO2 Peralta ay siya umanong sponsor ng cockfighting derby sa San Roque cockpit arena na matatagpuan sa Barangay San Roque noong Miyerkules ng gabi.

Nabatid na patungo si SPO2 Peralta sa kanyang asul na  Toyota Fortuner na nakaparada nang ito ay lapitan ng gunman at pagbabarilin sa ulo at dibdib.

Kaswal lang na nag­lakad ang gunman at tinungo ang kasama na naghihintay at driver ng kulay gray na motorsiklo at tumakas patungo sa Marcos Highway.

Ayon sa mga saksi na walang plaka ang motorsiklo ng mga suspek.

 

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEMORIAL MEDICAL CENTER

AYON

BARANGAY SAN ROQUE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

GILBERT PERALTA

MARCOS HIGHWAY

MARIKINA CITY

NATIONAL CAPITAL REGION

PERALTA

QUEZON CITY

SAN ROQUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with