^

Police Metro

Luy inilabas ang ebidensiya ng kickback ni Revilla sa pork scam

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Sa pagharap kahapon ng whistleblower na si  Benhur Luy sa Sandiganbayan 1st Division ay iprinisinta nito ang ebidensiya ng pagtanggap umano ng 50 percent   kickback ni Senator Bong Revilla mula sa kanyang Priority Deve­lopment Assistance Fund (PDAF) na inilaan sa mga pekeng NGO ni Janet Napoles.

Ipinakita ni Luy sa pamamagitan ng dalang hard disk na  mula 2006 hanggaang 2010 ay uma­bot sa P180 milyon ang inilagak na pondo ni Revilla sa iba’t ibang  NGOs ni Napoles gamit ang kanyang PDAF  kung saan ang kalahati umano ng naturang pondo o P90 mil­yon  ay ibinulsa umano ng mambabatas.

Ang mga pinondohan anya ng pork barrel fund ni Revilla na ginamitan ng pekeng NGO ni Napoles ay naidaan sa pamamagitan ng mga proyekto sa ilalim ng  Technology Resource Center (TRC) at  National Agribusiness Corporation (Nabcor).

Ayon pa kay Luy na ang kapwa akusado ni Revilla sa kasong plunder na si Atty. Ri­chard Cambe ay nakakuha dito ng 5 percent rebate, samantalang si Napoles ay nakakuha ng 32 percent habang ang  head  ng naturang mga ahensiya ay nakakuha ng 10 percent tulad nina TRC heads Dennis Cunanan at Antonio Ortiz gayundin si  Allan Javellana ng Nabcor na akusado din sa kasong graft kaugnay ng pork scam.

Binanggit din ni Luy  na si Revilla ay nakakuha pa ng 50 percent komisyon habang si  Cambe ay nakakuha ng 5 percent na kickbacks sa mga proyektong nai­daan naman sa  National Livelihood Development Center (NLDC).

Ang naipakitang ebe­densiya ni Luy ay nasa loob ng  isang hard disk na kanyang ipinakita sa graft court at ito anya ay  kanyang ginamit noong empleyado pa siya ni Napoles bilang record keeper.

Ang isinagawang pagdinig ay upang mala­man ng graft court kung nararapat na payagan si Revilla na makapagpiyansa kaugnay ng kasong graft at plunder na may kinalaman sa pork barrel scam.

 

vuukle comment

ANTONIO ORTIZ

ASSISTANCE FUND

BENHUR LUY

DENNIS CUNANAN

JANET NAPOLES

LUY

NAPOLES

REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with