^

Police Metro

Obrero nahulog sa bubungan

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang obrero matapos umanong madulas at mahulog mula sa bubungan ng ikalawang palapag ng gusali sa Pasig City kahapon ng umaga.

Ang nasawi ay kinilalang si Joven Vital, nasa hustong gulang, residente ng Barangay Layunan, Binangonan, Rizal.

Sa ulat, bago nangyari ang insidente dakong alas-9:00 ng umaga sa bubungan ng MCGK World Works Compound, Barangay Maybunga, Pasig City ay isinama ang biktima ng kanyang foreman na si Demetrio Cala sa pag-ayos ng kawad ng kuryente sa bubong ng naturang gusali.

Matapos maayos ay  naiwan sa bubong ang biktima habang bumaba na ang dalawang kasama nito.

Pagkababa ng da­lawa ay nakarinig sila ng sigaw at  nakahandusay ang biktima sa ground floor.

May hinala ang pulisya na posibleng nadulas ang biktima dahil sa basa ang bubong sanhi ng pag-ulan.

vuukle comment

BARANGAY LAYUNAN

BARANGAY MAYBUNGA

BINANGONAN

DEMETRIO CALA

JOVEN VITAL

MATAPOS

NAMATAY

PASIG CITY

WORLD WORKS COMPOUND

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with