^

Police Metro

Biker hinulidap ng 3 pulis

Ludy Bermudo, Patric Andal - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nagsampa ng reklamo ang isang 34-anyos na lalaki laban sa tatlong pulis na nang-hulidap sa kanya kahapon ng umaga sa Malate, Maynila.

Sa salaysay ng biktimang si Jayson Villarin, 34, ng San Miguel, Maynila, dakong alas-5:30 ng umaga habang sakay siya ng bisekleta at binabaybay ang Lopez St., nang sitahin siya ng mga suspek na ang isa ay kinilala niyang si PO3 Abenoja, na nakalagay sa name plate sa uniporme, isa ang nakasibilyan at isang may ranggong SPO1 na natatakpan ng suot na jacket ang name plate.

Pinababa siya at pinalo ng posas sa ulo, binugbog  at pilit na ipinalalabas umano ang iniskor niyang shabu.

Dahil wala naman talaga siyang dalang shabu ay kinuha ng mga ito ang  kaniyang cell phone at P200 cash.

Bago siya iwan ay hinubaran ng sapatos at damit na nawala umano sa lugar at inilayo sa kaniyang tabi ang bisekleta upang hindi na makahabol.

 

vuukle comment

ABENOJA

DAHIL

JAYSON VILLARIN

LOPEZ ST.

MAYNILA

NAGSAMPA

PINABABA

SAN MIGUEL

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with