^

Police Metro

Doktor dinakip sa pag-upload ng sex video ng dating nobya

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang doktor ang inaresto ng pulisya matapos na ireklamo ng kanyang dating nobya dahil sa pag-upload ng kanilang sex video sa internet na walang pahintulot sa kanya.

Nakapiit ngayon sa QCPD-Police Station 10 ang suspek na si Christian Betita, 29, dahil sa paglabag sa Republic Act 9995 o anti-cyber vouyerism law.

Ang suspek ay dinakip dakong alas-4:00 ng hapon sa isang convenience store sa Pantranco Avenue, kanto ng Don A. Roces Avenue, Brgy. Paligsahan, Quezon City.

Sa reklamo ng biktima na itinago sa pangalang Sabel na ipina-aresto niya ang suspek dahil sa ginawa nitong pambababoy sa kanyang pagkatao, lalo na sa paglalagay sa kanyang mga hubad na larawan at videos sa internet.

Sinasabing naging nobyo ng biktima ang suspek noong siya ay 17-anyos pa lamang at tumagal lamang ng limang buwan ang kanilang relasyon.

Dalawang taon ang nakalipas ay tumawag ang suspek kamakailan at gustong makipagkita na tinanggihan ng biktima dahil matagal na silang hiwalay.

Dito ay tinakot ng suspek ang biktima na ikakalat umano niya ang kanilang sex video sa internet kung hindi siya makikipagkita at makipag sex muli sa kanya.

Tinotoo ng suspek ang banta nang malaman ng biktima mula sa kanyang mga kaibigan na napanood na nila sa internet ang nasabing sex video dahilan para magpasya na siyang makipagkita dito kasama ang mga pulis.

 

vuukle comment

BRGY

CHRISTIAN BETITA

DALAWANG

DON A

PANTRANCO AVENUE

POLICE STATION

QUEZON CITY

REPUBLIC ACT

ROCES AVENUE

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with