^

Police Metro

2 todas sa gumuhong pader

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang lalake at babae matapos na madaganan ng gumuhong pader ng isang bodega sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga nasawi na sina Norma Magada, 44, ng Barangay Masambong; Robin Leuterio, 22, jeepney driver, ng San Idelfonso.Bulacan.

Batay sa ulat, dakong alas-8:40 ng gabi ay big­lang humangin ng mala­kas at dito ay nauga ang ginagawang  50 metro na haba at 30 metro ang taas na pader ng bodega na pag-aari ng LG Atkimson na matatagpuan sa no. 27 Mauban St., kanto ng Malasimbo St., Brgy. Masambong na naging dahilan para ito ay gumuho.

Nabagsakan ng gumuhong pader ang pitong pampasaherong jeep na kung saan ay nandooon sina Magada at Leuterio na kapwa namatay noon din.

Sa salaysay ng mister ni Magada na si Reynaldo katatapos lamang anya nilang maghapunan ng mga biktima sa hood ng nakaparadang PUJ, nang biglang gumuho ang ginagawang pader.

Nagtulong-tulong ang mga rescue team ng MMDA, city hall at Bureau of Fire Protection upang mahugot mula sa pagkakadagan ang dalawang nasawi.

Inaalam pa kung may nagawang paglabag ang may-ari ng ginagawang pader na nangako namang tutulong sa gastusin.

vuukle comment

BARANGAY MASAMBONG

BUREAU OF FIRE PROTECTION

MAGADA

MALASIMBO ST.

MAUBAN ST.

NORMA MAGADA

QUEZON CITY

ROBIN LEUTERIO

SAN IDELFONSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with