^

Police Metro

Mister sinapian, misis tinodas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Inatado nang saksak ng isang mister ang sari­ling misis na mahimbing na natutulog sa loob ng kanilang silid kamakalawa sa Brgy. Bacolod, Carrascal, Surigao del Sur.

Namatay habang nilalapatan ng lunas sa Madrid District Hospital ang biktimang si Maricel Apillanes, 26-anyos, dahil sa mga tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan. Habang tumakas ang mister nito na  kinilalang si Aljohn.

Sa ulat ng pulisya, bandang alas-5:30 ng umaga nang maganap ang krimen sa silid ng mag-asawa sa Purok 4, Sitio Tabon-Tabon, Brgy. Bacolod, Carrascal ng lalawigan.

Nabatid na kasalukuyang mahimbing na natutulog ang misis nang bigla na lamang undayan nang sunud-sunod na saksak ng mister nito na tila sinapian ng masamang espiritu.

Narekober sa lugar ng krimen ang patalim na ginamit  ng suspek sa pagpatay sa kanyang misis.

vuukle comment

ALJOHN

BACOLOD

BRGY

CARRASCAL

HABANG

INATADO

MADRID DISTRICT HOSPITAL

MARICEL APILLANES

SITIO TABON-TABON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with