^

Police Metro

Sunog sa Makati: 1patay

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 25-anyos na kasambahay ang nasawi matapos na hindi nakalabas sa nasusunog na tindahan  ng amo at nadamay pa ang ilang kabahayan kahapon ng madaling-araw sa Makati City.

Ang biktima na halos hindi na makilala dahil sa pagkatusta ay kinilalang si Christine Zia, kasambahay sa naabong tindahan sa  #2020 Agot Compound kanto ng Gen. Jacinto at Gen. Luna Sts., Barangay  South Cembo.

Sa ulat, dakong alas-3:24 ng madaling-araw nang magsimula ang sunog sa tindahan ng amo ng biktima na mabilis na kumalat sa mga katabing kabahayan.

Nabatid na nakalabas na ang biktima, subalit muli itong bumalik sa tindahan na pag-aari ng kanyang among si Joseph Pabula upang kunin ang iba pa niyang gamit hanggang sa hindi na ito nakalabas pa.

Lumalabas sa imbes­tigasyon na ang nag-overheat na wall fan ang dahilan ng sunog na mabilis na kumalat sa mga katabing bahay. Tinatayang aabot sa may P3 milyon halaga  ng mga  ari-arian ang naabo sa sunog.

 

vuukle comment

AGOT COMPOUND

CHRISTINE ZIA

ISANG

JACINTO

JOSEPH PABULA

LUMALABAS

LUNA STS

MAKATI CITY

SOUTH CEMBO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with