^

Police Metro

Drug pushers isasalang sa lethal injection

Gemma Amargo-Garcia - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection ang isinusulong sa Kamara bilang pagpataw ng parusang kamatayan sa mga Pinoy at dayuhan na mahuhuling nagbebenta ng ipinagbabawal na gamot o droga.

Inihain ni Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo ang House Bill 3834 na nagpapataw ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection sa sinumang mahuhuling Pinoy o dayuhan na nagbebenta o gumagawa ng 1 kilo  o mahigit  pa ng ipinagbabawal na gamot.

Ang layunin ng panukala ay masawata ang pagdami ng drug traffickers sa bansa at mapigilan din ang drug cartels na nandito na sa bansa.

Anya kapag life imprisonment lang ang ipinapataw sa mga drug pushers ay patuloy pa rin ito sa kanyang gawain kahit nasa loob ng bilangguan dahil mayroon mga bumibisita sa kanila kung saan mabibigyan nila ng instruction para sa operation nila sa labas ng bilibid.

Iginiit pa ng kongresista na kapag ang isang tao ay nagdesisyon na pumasok sa pagbebenta ng droga ay nagdesisyon na rin ito na sirain ang lipunan ng bansa kaya dapat patawan silang parusang kamatayan upang hindi na makapinsala pa ng buhay ng iba.

Nauna na rin naghain ng panukalang parusang kamatayan sina Reps. Rufus Rodriguez (Cagayan) at Maximo Rodriguez (Abante partylist) na limitado lang sa mga dayuhan.

vuukle comment

ABANTE

ANYA

HOUSE BILL

IGINIIT

INIHAIN

MAGTANGGOL GUNIGUNDO

MAXIMO RODRIGUEZ

PINOY

RUFUS RODRIGUEZ

VALENZUELA REP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with