^

Police Metro

Utol inutas ng kapatid sa labas

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines - Dahil lamang sa pag-aagawan ng “speaker” ay nagkaroon nang mainitang pagtatalo ang isang magkapatid na nauwi sa pana­naksak na ikinasawi ng isa sa kanila kamakalawa ng gabi sa Quezon City.

Ang biktima na idineklarang dead-on-arrival sa ospital dahil sa mga tama ng saksak sa dibdib at sikmura ay kinilalang si Joseph Rico, 29.

Mabilis namang tumakas ang suspek na si Jimmy Cabojaje, 32, half brother ng biktima.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-8:00 ng gabi ay nagtungo si Joseph sa bahay ng step-father na si Francisco Rico sa Phase 2, Lupang Pangako, Brgy.Payatas B para hiramin ang speaker at dito ay tumanggi si Cabojaje na ikinagalit ng una.

Upang maiwasan ang mainit na pagtatalo ay nagpasya ang biktima na umalis, subalit binato siya ng suspek ng bote ng alak at tinamaan sa kanang paa.

Binalikan ng biktima ang suspek subalit sinalubong na siya ng saksak ng huli sa dibdib at nang bumagsak ay muli itong sinaksak ng suspek.

 

vuukle comment

BATAY

BINALIKAN

BRGY

FRANCISCO RICO

JIMMY CABOJAJE

JOSEPH RICO

LUPANG PANGAKO

PAYATAS B

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with