^

Police Metro

Bata ni-rape/slay sa plaza

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 6-anyos na batang babae na walang saplot pang-ibaba na kung saan ay maga at may bahid na dugo ang ari nito nang matagpuan sa madamong bahagi ng Plaza Dilao, Paco, Maynila, kahapon ng madaling-araw.

Ang biktima ay kinilalang si Arlyn Joy Balolong, ng Barangay 872, sa  Pandacan, Maynila.

Sa imbestigasyon, dakong alas-12:30 ng madaling-araw nang  madiskubre ang inabandonang  bangkay ng biktima sa nasabing plaza malapit sa lumang  PNR Station, sa Pres. Quirino Avenue, Paco.

Sa salaysay ng ina ng biktima na si Elizabeth na huling niyang nakitang buhay ang anak bandang alas 10:00 ng gabi ng Linggo sa tindahan na malapit sa kanilang bahay at makalipas ang 30 minuto ay hindi na ito makita hanggang sa may mabalitaan na may natagpuang patay sa Plaza Dilao.

Sinabi ng barangay tanod na si Ramon Sus ng Brgy. 825,  Zone 89 nagroronda sila nang mapansin na may naiwang pantalon na maong sa lugar na kaduda-duda kaya’t kinutuban sila na may  kakaibang pangyayari.

Nang libutin nila ang madilim na bahagi ng lugar ay nakita ang nakadapang katawan ng biktima dahilan upang ipagbigay alam sa otoridad.

Ayon sa mga residente sa lugar na may isang lalaking lasing na nakasuot ng t-shirt na puti at maong na pantalon ang nakitang gumagala doon bago natagpuang patay ang bata.-

 

vuukle comment

ARLYN JOY BALOLONG

AYON

BRGY

ISANG

LINGGO

MAYNILA

PLAZA DILAO

QUIRINO AVENUE

RAMON SUS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with