^

Police Metro

Sunog sa QC: 1 nasawi

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isa ang nasawi at 2 ang sugatan sa sunog na naganap sa residential area sa Quezon City, kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ni QC Fire  Marshall Supt. Jesus Fernandez  ang nasawi na si Angelita Unidez, 57-anyos habang nasugatan naman ang fire volunteer na si Jose Capre at isang babae na hindi pa kilala.

Nabatid na ang sunog ay naganap dakong alas-12:58 ng madaling araw at umabot sa Task Force Bravo bago tuluyang naapula ganap na alas-4:55 ng umaga.

Nasa 100 bahay ang sinasabing naabo sa sunog sa Sitio Mendez, Sitio Militar  at Sitio Pajo sa Barangay Baesa, Quezon City.

Ayon  kay Fernandez, dikit-dikit ang mga bahay at makipot din ang kalsada kaya mahirapan silang apulahin ang nasabing sunog.

Sinasabing nadamay sa sunog ang ika-apat na palapag na gusali na pag-aari ng biktima na hindi na nagawa pang makalabas.

vuukle comment

ANGELITA UNIDEZ

BARANGAY BAESA

JESUS FERNANDEZ

JOSE CAPRE

MARSHALL SUPT

QUEZON CITY

SITIO MENDEZ

SITIO MILITAR

SITIO PAJO

TASK FORCE BRAVO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with