^

Police Metro

2 todas sa pamamaril sa QC

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines - Todas ang dalawa katao nang sila ay pagbabarilin ng dalawang  hindi pa nakikilalang suspek sa Novaliches, Quezon City kahapon ng tanghali.

Kinilala ang mga biktima na sina Eduardo Garate, 54, may-asawa, nakatira sa #30 Masayahin cor. Sarmiento St., Brgy. Sta Monica, Novaliches, QC at Jesus Tayamora, 65, may-asawa, ng 34 Sarmiento St., Brgy. Sta. Monica, Novaliches, QC.

Kapwa dead-on-the-spot ang dalawang biktima sa pinangyarihan ng insidente dahil sa tama ng bala sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan.

Ayon kay PO3 Arddie Manlongat ng Quezon City Police District Station 4, ang insidente ay naganap sa harap ng bahay ni Garate, dakong  alas-12:00 ng tanghali.

Sinabi ni Manlongat, kasalukuyan nagkukuwentuhan sa harap ng bahay ni Garate ang mga biktima nang biglang dumating ang dalawang hindi nakikila­lang suspek saka pinagbabaril ang dalawa.

Matapos ang pamamaril ay tumakas ang mga suspek sakay ng isang nag-aantay na tricycle sa kanila.

 

vuukle comment

ARDDIE MANLONGAT

BRGY

EDUARDO GARATE

GARATE

JESUS TAYAMORA

NOVALICHES

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT STATION

SARMIENTO ST.

STA MONICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with