^

Police Metro

4 patay, 61 naratay sa pagkain ng pawikan

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Nasawi ang 4 katao habang 61 ang naratay sa ospital makaraang malason ang mga ito sa pagkain ng pawikan naganap sa Brgy. Rawis, Poblacion, Arteche, Eastern Samar.

Kinilala ang mga nasawing sina Marlon Mosende Nuguit, 23; Ramon Despe Nuguit, 55; Marcosa Flores Picardal, 80 at Lilia Picardal, 56, habang nasa kritikal sina Eugenia Galit Nuguit at Arjay Despe Galit.

Nabatid na ang naturang pawikan ay patay na umano ng makuha ng mga ma­ngi­ngisda habang lumulutang sa dagat noong Biyernes ng gabi kung saan kinatay ito na umaabot ng 20 kilo at inilagay muna sa freezer.

Nitong Linggo hanggang nitong Lunes ay ipinamahagi ng mga mangingisda ang pawikan sa kaniyang mga kapitbahay na niluto ng mga ito at pinagsaluhan sa hapunan.

vuukle comment

ARJAY DESPE GALIT

ARTECHE

EASTERN SAMAR

EUGENIA GALIT NUGUIT

LILIA PICARDAL

MARCOSA FLORES PICARDAL

MARLON MOSENDE NUGUIT

NITONG LINGGO

RAMON DESPE NUGUIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with