^

Police Metro

HS stude sumalpok sa puno, dedo

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 4th year high school student  ang nasawi habang sugatan naman ang isa pa makaraang sumal­pok sa puno ng niyog ang motorsiklong sinasak­yan nila kamakalawa ­sa Luna, Apayao.

Ang nasawing biktima ay kinilalang si Mark  Anthony Cabuhat, 17-anyos na nagtamo ng grabeng sugat sa katawan, habang nilalapatan ng lunas ang sugatang si Jayson Tapec, 17, 3rd year high school pawang residente ng Brgy. Dagupan.

Ayon sa ulat, bandang alas-9:00 ng gabi ay minamaneho ni Tapec ang motorsiklong Honda TMX 155 (XJ 8602)  at ang angkas si Cabuhat.

Binabaybay ng mga ito ang kahabaan ng national road, Purok Maligaya, Brgy. Dagupan nang mawalan ng kontrol sa manibela si Tapec kaya’t nagpagewang-gewang hanggang sa bumangga sa puno ng niyog.

Sa lakas nang pagkakabangga ay nagtamo ng matinding sugat ang backrider na si Cabuhat partikular na sa bahagi ng ulo na siya nitong ikinamatay.

Sa imbestigasyon na kapwa nasa impluwensya ng alak ang dalawang estudyante nang mangyari ang insidente.

 

vuukle comment

ANTHONY CABUHAT

APAYAO

AYON

BRGY

CABUHAT

DAGUPAN

JAYSON TAPEC

PUROK MALIGAYA

TAPEC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with