^

Police Metro

Pulis niratrat, todas

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Pinagbabaril habang sakay ng kanyang motorsiklo ang isang aktibong pulis ng mga hindi pa kila­lang suspek sa naganap na ambush sa kahabaan ng Brgy. Aguada, Isabela City, Basilan.

Ang biktima na hindi na umabot ng buhay sa os­pital ay nakilalang si PO2 Henry Noel Hidalgo, mi­yembro ng Intelligence Unit ng Isabela City Police at residenteng lugar.

Batay sa ulat, dakong alas-11:40 ng gabi ay lulan ang biktima ng kaniyang motorsiklong XRM Honda pauwi na sa kanilang bahay nang harangin at paulanan ng bala ng tatlong armadong lalaki sa kahabaan ng P. Pardo Avenue, Brgy. Aguada ng lungsod at duguang tumila­pon sa kanyang motor.

Nang nakabulagta na ang biktima ay tinangay ng mga suspek ang baril na isang cal.45 pistol at  nagsitakas sa crime scene.

Iniimbestigahan ng mga otoridad ang anggulo ng agaw-armas ang insidente at hindi rin inaalis ang posibilidad na kagagawan ng mga bandidong Abu Sayyaf.

vuukle comment

ABU SAYYAF

BASILAN

BATAY

BRGY

HENRY NOEL HIDALGO

INTELLIGENCE UNIT

ISABELA CITY

ISABELA CITY POLICE

PARDO AVENUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with