^

Police Metro

Driver inutas ng kabaro

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Utas ang isang driver matapos pagsasaksakin ng kanyang kapwa driver nang sila ay magtalo habang nag-iinuman sa Pasay City kahapon ng madaling-araw.

Nasawi habang isinusugod sa Olivares Hospital ang biktimang si Morville Sitit Ramonal, 32, may asawa, nakatira sa #128 Road 4, Pildera 2, ng naturang lungsod dahil sa tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nadakip naman ang suspek na si Rudy Boniao, 56, may asawa, nakatira sa nasabing lugar na ngayon ay naka­kulong na sa himpilan ng pulisya sa Pasay City.

Ayon sa report na natanggap ni Sr. Supt. Rodolfo Llorca, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa Road 4, Barangay Pildera 2 ng nabanggit na lungsod.

Sinasabing alas-9:00 pa lamang ng gabi ay nag-iinuman na ang suspek at biktima kasama ang ilang kaibigan nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa na nauwi sa pananaksak ng suspek sa biktima.

vuukle comment

AYON

BARANGAY PILDERA

MORVILLE SITIT RAMONAL

OLIVARES HOSPITAL

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

RODOLFO LLORCA

RUDY BONIAO

SR. SUPT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with