Ex-cop, misis timbog sa shabu
MANILA, Philippines -Inaresto ng pinagÂsaÂnib na puwersa ng PhiÂlippine Drug EnforceÂment Agency (PDEA) at Taguig City Police ang isang dating pulis at misis nito sa isang buy bust operation ng shabu kamakalawa sa naturang lungsod.
Ang mga suspek ay kinilalang sina SPO2 WilÂfredo Hidalgo, 47-anyos, dating nakataÂlaÂga sa National Capital RegioÂnal Police Office (NCRPO), na nasibak dahil sa na-AWOL at ang misis nitong si Cristina, 46, kapwa resiÂdente ng no. 6 General Santos Avenue, Lower BiÂcutan, ng lungsod.
Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi noong Martes nang madakip ang mag-asawa ng mga otoridad.
Nakumpiska sa mag-asawa ang pitong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang Beretta pistol.
Nakaditine ang mag-asawang suspek sa PDEA Custodial FaÂciÂÂlity sa Quezon City haÂÂbang inihahanda ang pagsasampa ng kaÂÂsong paglabag sa Comprehensive DangeÂrous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms.
- Latest