^

Police Metro

Aussie pinutol ang sariling ‘manoy’

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ang umano’y sobrang depresyon sa sarili ang nagtulak sa isang Australyano na putulin ang ari sa loob ng silid sa Brgy. Tabon 3, Kawit, Cavite kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay na­ki­lalang si Lagocki Pa­wel Roma, 33 anyos, na nakikitira lamang sa kababayan nito na residente sa #364 Garland Subdivion, ng nasabing lugar.

Batay sa ulat, ganap na alas-9:00 ng gabi nang makatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang Edwina Peterhansel nang matagpuan ang biktima sa duguan sa loob ng kuwarto nito.

Ayon kay Mrs. Peterhansel, bisita lamang nila ang biktima at may ilang linggo pa lamang ito nakikitira sa kanila dahil sa kaibigan ito ng kanyang mister na kababayan nito at napapansin na umano niya na lagi itong tulala at parang may iniisip.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-2:45  ng hapon ay nagkulong ang biktima sa ng kuwarto nito at doon isinagawa ang pagputol sa kanyang ari gamit ang kitchen knife.

Kasalukuyang ino­obserbahan sa De La Salle University Medical Center ang biktima.

 

vuukle comment

AUSTRALYANO

AYON

BATAY

BRGY

DE LA SALLE UNIVERSITY MEDICAL CENTER

EDWINA PETERHANSEL

GARLAND SUBDIVION

LAGOCKI PA

MRS. PETERHANSEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with