Pagbibitiw ni Enrile hindi tinanggap

MANILA, Philippines -  Nagpahayag kahapon si Senate President Juan Ponce Enrile na bakantehin ang kanyang puwesto sa gitna ng balitang magkakaron ng kudeta sa Senado.

Subalit, hindi ito tinanggap ng mayor­ya ng mga senador na kung saan ay 11 senador ang tumutol sa mosyon ni Enrile na ideklara ng bakante ang kaniyang posisyon, samantalang dalawa ang pumabor at dalawa ang nag-abstain.

Ang dalawang senador na sumang-ayon na ideklarang bakante ang posisyon ng Senate President ay sina Senators Antonio Trillanes at Aquilino “Koko” Pimentel, samantalang ang nag-abstain naman ay sina Senators Bongbong Marcos at Joker  Arroyo.

Show comments