Tanod tinigok sa loob ng ambulansiya

MANILA, Philippines - Todas ang isang baran­gay tanod makaraang ma­lapitang barilin ng hindi pa kilalang suspek habang nakaupo sa loob ng ambulansiya sa Barangay Salitran 3, Dasmariñas City, Cavite, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Supt Uly­sses Cruz Sr. hepe ng pulisya sa Dasmariñas ang biktima na si Cresenciano Cambalisa, 48, barangay tanod na residente ng Excess Lot, Barangay Burol Main ng siyudad.

Sa imbestigasyon nina PO2 George Fajardo at PO2 Rolando Paulo Fi­gue­roa, may hawak ng kaso dakong alas-6:52 ng gabi ng maganap ang insidente sa Summerwind Village, Phase 1.

Ayon sa report, naka­upo sa ambulansiya ng barangay na may plakang SJV-159 ang biktima nang lapitan siya ng hindi pa kilalang suspek at malapitang barilin sa ulo.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang suspek dala ang kalibre .45 baril na kanyang ginamit sa pagpatay sa biktima.

Show comments