^

Police Metro

4 tinepok ng seaman

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang lasing na seaman ang nag-amok at walang habas na namaril na iki­na­sawi ng apat katao kabi­lang ang kanyang live in part­ner habang apat ang nasa kritikal na kalagayan na­ganap kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nasawi noon din ang live-in partner na si Eden Dela Cruz, 37, ng Phase 1, Dulo, Tierra Nova, Royale Sub­division, Bagumbong ng nabanggit na lungsod.

Idineklarang dead-on-arrival naman sa Bernardino Hospital sina Benjamin Templonuevo, 17 at Ar­nold Dizon, 32, kapwa resi­den­te ng nasabing lugar at Elizabeth Templonuevo, 48, na hindi rin umabot ng buhay sa Novaliches Ge­ne­ral Hospital.

Nasa kritikal na kalaga­yan sa East Avenue Medical Center ang mga biktimang sina Archie Artugue, 23; Julius Bernardo, 19; Maria Dina Lagonerio, 23 at Jo­ver Ricana, 15,  pawang resi­dente rin ng nasabing lugar.

Agad na nadakip ang suspek na si Rolly Rapit, 33, live-in ni Dela Cruz.

Batay sa ulat, bago na­ganap ang pamamaril ng suspek dakong alas-10:15 ng gabi ay umuwi itong lasing sa kanyang bahay at inaway ang ka-live in na si Dela Cruz dahil sa selos.

Nagkaroon ng maini­tang pagtatalo ang dalawa hanggang sa kunin ng sus­­­pek ang kanyang ka­libre .9mm na baril at pi­nu­tukan ang live-in partner.

Nang papatakas na ang suspek ay nadaanan nito ang nagkakasayahang ka­pitbahay dahil sa may nag­diriwang ng kaarawan doon.

Lumapit ang suspek at pi­naulanan ng bala ang mga tao sa loob hanggang sa maubusan ng bala.

Dito lamang napigilan ang pagwawala ng suspek hanggang sa magdatingan ang mga pulis at inaresto ito na kung saan ay nahaharap sa mga kasong kriminal.

vuukle comment

ARCHIE ARTUGUE

BENJAMIN TEMPLONUEVO

BERNARDINO HOSPITAL

CALOOCAN CITY

DELA CRUZ

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EDEN DELA CRUZ

ELIZABETH TEMPLONUEVO

JULIUS BERNARDO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with