^

PM Sports

Maliit, malupit

BELT AND RUN - Nelson Beltran - Pang-masa

Maliit pero malaki ang dating — iyan si Jimmy Alapag bilang cage legend.

Titira ng tres mula 28 feet na parang wala lang. Wa­lang kaba. Iyong tipong ikaw na nanonood ang kakabahan para sa kanya, pero siya, cool lang. Champion player. Puso ng Talk ‘N Text. Puso ng Gilas.

Ngayon, nasa bench na siya ng NLEX. Polo shirt na, hindi jersey. Pero parehong cool pa rin. At nahawa ang buong NLEX.

Hindi kilos rookie coach si Jimmy.

At hindi lang panalo ang pinagbago sa NLEX nga­yon. Kasama sa pagbabago kung paano sila nananalo.

Mabilis. May sistema. May tiwala sa isa’t isa. Ki­tang-kita ang tatak ng Sacramento Kings, kung saan siya nanggaling bilang player development coach bago bumalik ng Pilipinas.

Si import Daquan Jones lumilipad, sina Kevin Alas at Robert Bolick ganado.

Kasi kultura muna bago playbook.

Sabi nga ni Alas noong Game 1, “As soon as he got in, he was already trying to set a culture in the team to do things the right way.”

Sa pagbili ng mga man­lalaro sa sistema ni Jimmy, at sa sama-sama nilang paglaban sa court, kumakatok na ang Road Warriors sa pagbabalik sa PBA semis.

Pero hindi lumalaki ang ulo ni Jimmy, hin­di tumataas ang ere.

“There’s still so much work to be done,” aniya.

Iyan mismo ‘yung Ala­pag na kilala ng lahat. Iyong titira ng game-win­ner tapos ipapasa ang credit sa nag-screen.

One win away na lang ang NLEX para ta­pusin ang Phoenix Super LPG sa kanilang best-of-five quarterfinals series.

Mukhang wala nang ma­kapipigil sa Final Four stint ng Road Warriors sa kanilang unang con­ference sa ilalim ni Alapag.

Parehong cool. Iba lang ang armas.

SPORTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with