SMB lusot sa Terrafirma

MANILA, Philippines — Itinagay ng San Miguel ang ikalawang sunod na panalo matapos lusutan ang Terrafirma, 109-104, sa PBA Season 50 Governors’ Cup kahapon sa Ynares Center sa Antipolo City.
Kumolekta si balik-import George King ng 37 points, 14 rebounds at 3 steals para sa 2-0 record ng Beermen sa Group A, habang may 22 at 17 markers sina CJ Perez at Don Trollano, ayon sa pagkakasunod.
“Now we can say a win is a win,” ani lead assistant coach Peter Martin na pansamantalang humalili sa may sakit na si coach Leo Austria. “I think they outhustled us, they outplayed us, they outcoached us.”
Bagsak ang Dyip sa ikalawang dikit na kamalasan para sa 1-3 baraha.
Nagtala si import Justin Strings ng 28 points at 12 boards at may 27 markers si Juami Tiongson kasunod ang 20 points ni Maverick Ahanmisi para sa Terrafirma na nakabangon mula sa isang 22-point deficit, 46-68, sa pagsisimula ng third period.
Nagkumpiyansa ang SMB na tuluyan nang naiwanan sa 101-104 sa huling 1:21 minuto ng fourth quarter galing sa three-point shot ni Tiongson.
Nagsanib-puwersa sina King at Perez para muling ibigay sa Beermen ang 106-104 bentahe sa natitirang 4.4 segundo.
Tumalbog ang mga 3-point attempts nina Tiongson at CJ Catapusan sa posesyon ng Dyip.
Ang tatlong free throws nina Perez at Trollano ang naglayo sa SMB sa 109-104 sa huling 1.2 segundo.
Samantala, ipaparada ng Barangay Ginebra si import Riley Grigsby, kapalit ni injured Justin Brownlee, sa pagsagupa sa Phoenix (2-0) sa Group B ngayong alas-7:30 ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.
Itatapat ng Gin Kings si Grigsby, naglaro para sa Santa Cruz Warriors at Sioux Falls Skyforce, kay Robert Johnson III ng Fuel Masters.
Magtutuos sa alas-5:15 ng hapon ang nagdedepensang TNT Tropang 5G at guest team Macau Giant Pandas (0-3).
- Latest















