MANILA, Philippines — Ibinida ni Althea Tuazon Lacson ang kanyang gold medal na napagwagian sa sparring (kyurogi) sa katatapos lang na CPJ Taekwondo Championships na idinaos sa San Andres Complex, Malate Manila. Kabilang din si Lacson sa Flame Moves Taekwondo team na sumikwat ng 1st runnerup sa poomsae event.