Boss Emong kikilatisin sa Classic Cup race

MANILA, Philippines — Makakapanood ng magandang karera ang racing aficionados ito’y dahil lalarga ang Boss Emong sa 2024 PHILRACOM “Classic Cup” race na pakakawalan sa Marso 31 sa Metro Turf, Malvar - Tanauan City sa Batangas.

Gagabayan ni star jockey Jeffril Tagulao Zarate ang former Philippine Sportswriters Association (PSA) - Horse of the Year awardee, Boss Emong kung saan ay makakalaban nito ang anim na tigasing kabayo na nagsaad ng paglahok sa distansyang 1,800 mete race.

Paniguradong mapapalaban ang Boss Emong sa magkakamping La Trouppei at War Cannon sa event na suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM).

Maliban kina La Troup­pei at War Cannon, ang ibang makakalaban ni Boss Emong na naghayag ng pagsali ay sina Don Julio, Istulen Ola, Jaguar at Jungkook.

May nakalaan na tuma­taginting na P1.8M garantisadong premyo na ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta.

Kukubrahin ng mananalong kabayo ang P1,080,000, mapupunta ang P405,000 sa pangalawa habang P225,000 at P90,000 ang third at fourth placers ayon sa pagkakasunod.

Mag-uuwi naman ang breeder ng mananalong kabayo ng P90,000 habang P54,000 at P36,000 ang second at third.

Show comments