Gazz Angels balik sa winning form

Hindi nagpapigil si Brooke Van Sickle ng Petro Gazz Angels kina Kathrine Villegas at May Macatu­no ng Capital1 Solar Spikers.
PVL

MANILA, Philippines — Bumawi ang Petro Gazz mula sa nauna ni­lang kabiguan matapos gi­­bain ang Capital1 Solar Energy, 25-11, 25-19, 25-14, sa 2024 PVL All-Filipino Con­ference kahapon sa Philsports Arena sa Pasig City.

Humataw si Fil-Am Brooke Van Sickle ng 19 points mula sa 15 attacks, 3 aces at 1 block para ban­derahan ang Gazz Angels (5-2) na nagmula sa isang five-set loss sa Chery Tiggo Crossovers.

“It’s good to get a win coming off a loss, I’m really proud of my team for being able to bounce back the way we did,” sabi ni Van Sickle.

Nag-ambag si Jonah Sa­bete ng siyam na puntos, habang may pito at tig-anim na marka sina Re­my Palma, Kecelyn Gal­dones at Ivy Perez, ayon sa pagkakasunod.

Ayon kay Van Sickle, hindi nila minamaliit ang mga mahihinang koponan sa torneo.

“It doesn’t matter who the other team is. Capital1 is a very scrappy team. But as long as we stay focused, we can get things done,” said Van Sickle.

Laglag ang Solar Spi­kers sa 1-6 baraha at nakahugot kay Des Clemente ng anim na puntos.

May limang marka si Heather Guino-o kasunod ang tig-apat na puntos nina Janeca Lana at Sydney Niegos.

Kaagad nagposte ang Petro Gazz ng 10-0 bentahe kontra sa Ca­pital1 sa first set na nagtuluy-tuloy hanggang sa kumpletuhin ang three-set sweep.

Sa ikalawang laro, pinatumba ng Chery Tiggo ang Nxled, 23-25, 25-23, 25-16, 25-20.

Ito ang ikatlong sunod na pananalasa ng Crossovers para itaas ang kanilang kartada sa 5-2.

Humataw si Mylene Paat ng 15 points kasunod ang 12 markers ni Eya Laure.

Bagsak ang Chameleons sa 1-5.

Magkaka­roon ng break ang torneo bilang pag-obserba sa Holy Week.

Magpapatuloy ang li­ga sa Abril 2 kung saan mag­haharap ang Choco Mucho (5-1) at Galeries Tower (2-4) sa alas-6 ng gabi matapos ang upakan ng PLDT Home Fibr (5-1) at Akari (2-4) sa alas-4 ng hapon.

Show comments