Canino wagi sa women’s chessfest

MANILA, Philippines — Pinagreynahan ni child wonder Ruelle Ca­nino ang Philippine National Women’s Chess Championship o ang “Battle of Women Masters” sa Malolos, Bulacan.

Tampok sa pamama­yagpag ng 16-anyos na si Canino ang panalo kay Woman Internatio­nal Master Jan Jodilyn Fronda sa 62 moves ng isang English opening para ilista ang 8.5 points at angkinin ang korona.

Nagbulsa rin si Canino ng P85,000 top purse at tiket para sa Asian Indoor and Martial Arts Games sa Bangkok, Thailand sa Nobyembre.

Nauna na ring nakuha ng pambato ng Cagayan de Oro ang isang puwes­to sa national team na isasalang sa FIDE World Chess Olympiad sa Buda­pest, Hungary sa Set­yembre.

Kasama rin si Fronda sa Olympiad-bound squad bukod sa natanggap na P52,000 para sa kanyang runner up finish sa tinapos na 8.0 points.

Pumangatlo si top seed Woman Grand Master Janelle Mae Frayna matapos ang 59-move win kay Woman FIDE Master Cherry Ann Mejia.

Show comments