Moderne Cong, Robin Hood magtutulungan

MANILA, Philippines — Makikilatis ang husay ng magkakuwadrang Mo­derne Cong at Robin Hood sa 2024 Philracom ‘Classic Cup II’ na ilalarga sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas sa Linggo.

Nakatokang rumenda sa Moderne Cong si Andreu Villegas, habang si Jomer Estorque ang sasakay sa Ro­­bin Hood para harapin ang apat pang nagsaad ng pagsali sa distansyang 1,800 meter race,

Ikakalat sa unang apat na kabayong tatawid sa meta ang nakalaang P700,000 guaranteed prize.

Ang ibang naghayag ng paglahok ay ang Chrome Bell, La Republika, Secretary at Sophisticated sa event na suportado ng Philippine Racing Commission.

Posibleng ang Chrome Bell na gagabayan ni dating PSA Jockey of the Year awardee Jonathan Basco Hernandez ang magiging mahigpit na karibal ng Moderne Cong at Robin Hood.

Hahamigin ng unang kabayong tatawid sa meta ang P420,000, mapupunta sa second placer ang P157,500, habang ang P87,500 at P35,000 ay ibibigay sa third at fourth placers, ayon sa pagkakasunod.

Susungkitin rin ang breeder ng winning horse ang P35,000 at P21,000 at P14,000 sa second at third.

Samantala, kakargahin ng apat na taon na edad na colts ang 54 kgs., habang 52 kgs. ang sa fillies base sa inilabas ng Philracom na handicapping weight.

Ang 5-year-old na colts ay 55kgs. ang papasanin, habang 53kgs. ang sa fillies.

Show comments