Bucks dinomina ang OKC Thunder

Naglambitin sa ring si Giannis Antetokounmpo ng Milwaukee Bucks matapos makawala kay Chet Holmgren ng Oklahoma City Thunder.

MILWAUKEE — Hu­makot si Giannis An­tetokounmpo ng 30 points at season-high 19 re­bounds para banderahan ang Bucks sa 118-93 paggupo sa Oklahoma City Thunder.

Itinala ni Khris Middleton ang kanyang ikalawang career triple-double sa tinapos na 11 points, 10 rebounds at 10 assists para sa Milwaukee (46-25).

Nag-ambag si Bobby Portis ng 15 markers, habang may 14, tig-11 at 10 points sina Brook Lopez, Damian Lillard, Pat Connaughton at Jae Crowder, ayon sa pagkakasunod.

Nalimitahan naman si Shai Gilgeous-Alexander sa 12 points sa panig ng Oklahoma City (49-21) at hindi na ginamit sa ka­buuan ng fourth period.

Kinuha ng Bucks ang 48-47 at halftime at kumamada ng 18-2 atake sa unang anim na minuto ng third quarter para tulu­yan nang iwanan ang Thunder at angkinin ang panalo.

Sa Los Angeles, ku­mo­lekta si Anthony Davis ng 36 points at 16 rebounds at nagposte si LeBron James ng 26 points at 10 assists sa 150-145 pagdaig ng Lakers (39-32) sa Indiana Pacers (40-32).

Sa Minneapolis, umiskor si Anthony Edwards ng 23 points at nagsalpak ng tatlong free throws sa huling 12 segundo sa 114-110 pagtakas ng Minnesota Timberwolves (49-22) sa Golden State Warriors (36-34).

Sa Miami, naglista si Haywood Highsmith ng 18 points para pamunuan ang Heat (39-32) sa 121-84 demolisyon sa Cleveland Cavaliers (43-28).

Sa Los Angeles, nagtala sina Tobias Harris at Tyrese Maxey ng tig-24 points para gabayan ang Phi­ladelphia 76ers (39-32) sa 121-107 panalo sa Clippers (44-26).

Sa Detroit, nagpasabog si Zion Williamson ng 36 points sa 114-101 paggiba ng New Orleans Pelicans (44-27) sa Pistons (12-59).

Show comments