Nxled pipigilan ang Chery Tiggo

MANILA, Philippines — Ang ikatlong sunod na panalo ang hahatawin ng Chery Tiggo sa pagsa­gupa sa Nxled sa 2024 PVL All-Filipino Confe­rence sa Philsports Arena sa Pasig City.

Lalabanan ng Crossovers ang Chameleons nga­yong alas-4 ng hapon kasunod ang bakbakan ng nagdedepensang Creamline Cool Smashers at Cig­nal HD Spikers sa alas-6 ng gabi.

Sa unang laro sa alas-2 ng hapon magkikita ang Petro Gazz Angels at Capital1 Solar Spikers.

Magkasosyo sa liderato ang Creamline, PLDT at Choco Mucho sa magkakatulad nilang 5-1 record kasunod ang Cignal (4-1), Petro Gazz (4-2), Chery Tiggo (4-2), Akari (2-4), Farm Fresh (2-4), Galeries Tower (2-4), Nxled (1-4), Capital1 (1-5) at Strong Group Athletics (0-6).

Dalawang higante ang pinatumba ng Crossovers sa katauhan ng Cool Smashers, 25-18, 25-24, 25-23, at Gazz Angels, 25-21, 18-25, 22-25, 25-19, 15-13.

Show comments