Utol ni Scottie pakitang-gilas

MANILA, Philippines — Nagsisimula pa lang ang basketball career ni Justin Thompson.

Subalit nakikita na ang kakayahan nito tulad ng kanyang nakatatandang kapatid na si reig­ning PBA MVP at Barangay Ginebra ace player Player Scottie Thompson.

Tunay na nasa dugo ng mga Thompsons ang basketball matapos mag­pasiklab si Justin sa ka­tatapos na 2024 Smart-Na­tional Basketball Trai­ning Center (NBTC) Division II Finals sa MOA Arena sa Pasay City.

Tinulungan ni Justin ang Top Flight Sports Ca­nada na makuha ang pa­nalo laban sa Eco Green Technology-Makati sa finals ng torneo.

Inamin ni Justin na kumukuha ito ng inspiras­yon sa kanyang kuya na si Scottie.

Nakatakdang masila­yan sa aksyon si Justin sa darating na NCAA Season 100 kung saan lalaro ito para sa University of Perpetual Help System Dalta — ang parehong team kung saan naglaro si Scottie sa college.

Si Scottie ang team ma­nager ng Altas kaya’t nadadala nito ang kanyang malalim na karanasan sa mga players nito.

“Parati niya lang sina­sabi na magtiwala sa sarili, maglaro ng nasa puso,” ani Justin.

 

Show comments