National boxing team sasalang sa US at Thailand camps

MANILA, Philippines — Desidido ang Association of Boxing Allian­ces in the Philippines (ABAP) sa tangkang ma­kasikwat ng gintong me­dalya sa Paris Olympics sa Hulyo.

Ipada­da­la nito ang na­tional bo­xing team sa da­la­wang training camps para paghandaan ang ikalawang Olympic quali­fying at Paris Olympics.

Magtutungo ang na­tio­nal team sa Denver, Co­lorado para sumailalim sa pukpukang ensayo sa US Olympic Training Center — ang venue kung saan nagsasanay ang mga boksingerong lalahok sa Paris Olympics.

Magandang pagkaka­taon ito para sa Pinoy pugs upang mahasa nang husto bago magpartisipa sa Olympic qualifying na idaraos sa Bangkok, Thailand sa Abril.

Matapos ang trai­ning camp sa Colorado ay tutulak ang mga Pinoy bo­xers sa Bangkok para doon ipagpatuloy ang paghahanda para sa Olympic qualifiers.

Hahataw sa Olympic qualifying ang iba pang miyembro ng natio­nal team kabilang na si Tokyo Olympics silver me­da­list Carlo Paalam na bigong makapasok sa Pa­ris Games matapos magtamo ng injury sa unang Olympic qualifiers na ginanap sa Italy.

Ta­nging sina Tokyo Olympics bronze meda­list Eumir Marcial, Tokyo Olympics silver medalist Nesthy Petecio at Aira Vil­legas pa lamang ang na­­kasiguro ng silya sa Paris Olympics.

Nakapasok si Marcial sa Paris Games dahil sa kanyang silver-medal fi­nish sa 19th Asian Games sa Hangzhou.

Show comments