Tsunashima inakay ang Ateneo sa panalo

Hinatawan ni Geezel Tsunashima ng Ateneo si Joan Marie Monares ng UP.
UAAP photo

MANILA, Philippines — Nakalsuhan ang two-game losing streak ng Ateneo matapos silang pasanin ni Geezel Tsunashima sa 25-14, 25-20, 25-15 panalo kontra University of the Philippines sa UAAP Season 86 wo­men’s volleyball tournament na nilaro sa Araneta Coliseum kahapon.

Nagparamdam agad ng lakas ang Lady Eagles nang tukain nila ang u­nang dalawang sets para mamuro sa pagwalis sa Lady Maroons.

Nagliyab sa opensa si Tsunashima sa tinikadang 16 points mula sa 13 attacks at tatlong blocks upang tulungan ang Katipunan-based squad, na ilista ang 3-6 karta at hawakan ang solo fifth place sa team standings.

Nag-ambag sina Sophia Buena at Lyann De Guzman ng 10 at walong puntos, ayon sa pagkakasunod para sa Ateneo habang 13 receptions at eight digs ang kay Roma Mae Doromal.

“I’am happy sa performance ng team and hopefully sa susunod na games namin mas maging aggressive pa kami and i-embrace pa namin yung system ni coach Sergio, and hopefully makuha talaga namin yung Final Four,“ ani Doromal.

Sa first round, limang sets ang kinailangan ng Ateneo para pataubin ang Lady Maroons, 22-25, 20-25, 25-22, 25-17, 15-9.

Marami pang natitirang laro ang Lady Eagles, kailangan nilang makapagtala pa ng mga panalo upang makasampa sa final four.

Show comments