Talak at utak

Umangal si Adamson coach Nash Racela sa officia­ting na tila pumapabor na maabot ng Ateneo Blue Eagles ang Final Four.

Bumuwelta si Ateneo coach Tab Baldwin na naglalaro ng mind-game si Racela upang maimpluwensyahan ang mga referees na tumawag laban sa Eagles.

Nauwi sila sa tabla sa No. 4 spot.

Kaya’t maglalaro sila ng extra game – knockout duel para malaman kung sino ang kukumpleto ng Last Four kasama ang No. 1 UP, No. 2 La Salle at third seed National U.

Mataas ang emosyon sa kanilang paghaharap sa do-or-die game bukas sa MOA Arena.

Sino ang mananatili lang sa pagtalak o patuloy na tatalak gamit din ang utak?

Split ang resulta ng kanilang bakbakan sa double-round-robin elims.

Ang lulusot bukas eh, siyang aabante para harapin ang umuusok na UP Fighting Maroons sa semifinal round.

Magsasalpukan sa kabilang semis pairing ang La Salle Green Archers at NU Bulldogs.

Kung pagbabasehan ang team rosters at ang kanilang ipinakita sa elims, wise bets ang Maroons at Archers na siyang maglalaban para sa UAAP Season 86 crown.

Show comments