^

PM Sports

Tony’s Love may pinatunayan

Nilda Moreno - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinatunayan ng Tony’s Love na hindi tsamba ang mga panalo nito sa tigasing American Factor matapos angkinin ang korona sa 7th Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano Cup noong Linggo sa Metro Turf, Malvar-Tanauan City, Batangas.

Nirematehan ng Tony’s Love ang American Factor upang masilo ang P210,000 na premyo sa event na suportado ng Philipppine Racing Commssion, (PHILRACOM).

Bumandera ang American Factor pero bandang far turn ay nilalapitan na ito ng winning horse at isa pang deremateng Palibhasa Lalake.

Pero sa rektahan ay naagaw na ng Tony’s  Love ang unahan para tawirin ang meta ng may dalawang kabayo ang agwat sa nasegundong American Factor.

Bahagyang kinabahan pa ang mga nakataya sa Tony’s Love dahil nagkaroon pa ng “Inquiry for first” at naantala na ibuga ang official winner. Makalipas ang ilang minuto ay nadeklarang panalo ang Tony’s Love.

Nagkaroon ng insidente sa largahan kung saan nalaglag ang hinete ng In The Zone kaya inimbestigahan muna ang nangyari dahil baka may kinalaman ang Tony’s Love at hinete nitong si Pabs Cabalejo.

Samantala, dalawang beses tinalo ng Tony’s Love ang American Factor sa 2020 PHILRACOM Imported / Local Challenge.

Nagwagi ang Tony’s Love sa 1st at 3rd Leg ng Imported / Local Challenge habang sa second leg nanalo ang American Factor.

vuukle comment

PHILRACOM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with