^

PM Sports

Cignal kumuha ng bagong Cuban import

Chris Co - Pang-masa

MANILA, Philippines — Ipaparada ng Cignal ang isang matikas na Cuban player sa 2020 Philippine Superliga Grand Prix na aarangkada sa Pebrero 29 sa The Arena sa San Juan City.

Kinuha ng HD Spikers si 6-foot outside hitter Jennifer Alvarez bilang kapalit ni American wing spiker Yaasmeen Bedart-Ghani na nagpasyang lumiban sa edisyong ito dahil sa coronavirus outbreak.

Malalim ang karanasan ng 26-anyos na si Alvarez

Naging bahagi ito ng Cuban national team na naglaro sa 2010 FIVB Women’s World Championship sa Japan at 2014 FIVB World Championship sa Italy.

Nakapaglaro na rin si Alvarez sa commercial leagues sa Cuba kasama ang Cienfuegos noong 2014 at Romania sa ilalim ng CS Volei Alba-Blaj noong 2017 hanggang 2018.

Kilala ang mga Cuban bilang po-wer-hitting players.

Una nang nasilayan sa aksyon si Gyselle Silva - ang guest player ng Smart Giga Hitters na gumawa ng scoring record na 56 points sa PSL noong 2018 habang tinulungan naman ni Wilma Salas ang PetroGazz sa pagkopo ng Premier Volleyball League Reinforced Conference crown noong nakaraang taon.

Ito ang unang pagkakataon na maglalaro sa Pilipinas si Alvarez na makatutulong ng husto sa HD Spikers na nawalan ng ilang key players gaya ni opposite spiker Mylene Paat.

vuukle comment

2020 PHILIPPINE SUPERLIGA GRAND PRIX

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with